Huwebes, Oktubre 29, 2009

The Four Forces

I just want to put this article of Paolo Coelho in my makes a lot of sense really...

The Four Forces
Father Alan Jones says that building our soul requires Four Invisible Forces, namely love, death, power and time. It is necessary to love because we are loved by God. It is necessary to be conscious of death in order to understand life better. One has to fight in order to grow - but without falling into the trap of the power that we obtain in doing so, because we know that such power is worth nothing. And lastly, it is necessary to accept that our soul – although eternal – is at this moment caught in the web of time, with all its opportunities and limitations.

First Force: Love
Rabbi Iaakov’s wife was always looking for an excuse to argue with her husband. Iaakov never answered her provocations.
Until one night when, during a dinner with some friends, the rabbi had a ferocious argument with his wife to the surprise of all at table.
“What happened?” they asked. “Why did you break your habit of never answering?”
“Because I realized that what bothered my wife most was the fact that I remained silent. Acting in this way, I remained far from her emotions. My reaction was an act of love, and I managed to make her understand that I heard her words."

Second Force: Death
As soon as he died, Juan found himself in a very beautiful place, surrounded by all the comfort and beauty that he had dreamed of.
A figure dressed in white came up to him and said, “You are entitled to anything you want.”
Enchanted, Juan did everything he had dreamed of during life. After many years of pleasure, he sought out the figure in white. He said that he had experienced everything and that now he needed a little work to make him feel useful.
“That’s the only thing I cannot get for you,” said the figure in white.
“But I’ll spend eternity dying of boredom! I’d much rather be in hell!”
“And where do you think you are?”

Third Force: Power
“I've spent a good part of the day thinking about things that I should not think about, desiring things that I should not desire, planning to do things that I should not do.”
The master pointed to a plant and asked the disciple if he knew what it was.
“It’s a belladonna. It can kill you if you eat the leaves. But it can’t kill you just by looking at it. Likewise, negative desires can cause no harm – if you don’t let yourself be seduced by them.”

Fourth Force: Time
A carpenter and his apprentices were traveling through the province of Qi in search of building materials. They saw a giant tree; five men holding hands could not encompass its girth, and its crown reached almost to the clouds.
“Let's not waste our time with this tree,” said the master carpenter. “It would take us forever to cut it down. If we wanted to make a ship out of that heavy trunk, the ship would sink. If we tried to use it to build a roof, the walls would have to be specially reinforced.”
The group continued on its way. One of the apprentices remarked, “Such a big tree and no use to anyone!”
“That's where you're wrong,” said the master carpenter. “The tree was true to its own destiny. If it had been like all the others, we would have cut it down. But because it had the courage to be different, it will remain alive and strong for a long time.”

Libya my New Opportunity

It was on the 24th 0f June when I arrived in Libya. As I board from the Airplane from Doha Qatar, I was expecting a humid weather since my reference is Saudi Arabia weather where I have worked for two years. Together with my fellow Filipino workers, we waited for the driver that the company had arranged to fetch us from the airport. We waited for almost 2 hours when an Arab looking guy with mustache approaches us, upon mentioning the name of our company, we immediately understood that he was the driver who was arranged to pick us. As we travelled in the northern direction of the airport, the wind that slaps on my face that was generated by the speed of the car where we are riding made me realize that the weather is a bit colder here in Libya as compared to Saudi Arabia, wherein at this month of June the temperature peaks at 50°C. After an hour of sightseeing we pass through a residential area of Tripoli (Capital of Libya) and the driver guides us to the company office where we were welcomed by an Egyptian looking woman. She guides us to the front building until we reached the Personnel Manager’s Office. After a short interview and filling up of some Arabic forms they had our passports and instructed the driver to bring us to the camp to take some rest from the 15 hours flight. We travel along the coastal road of Tripoli going to Tajoura area where the workers camp was established. Immediately after we get off from the car we were greeted by the Filipino Camp Boss, as I felt my stomach is grumbling from hunger I told him that we have’nt had our breakfast yet. He asked the cook in charge of the catering services to prepare the food for us. It was Wednesday then when we arrived so immediately the following day I reported to the office which marks as my first day at work. Familiarization with the new working environment was never been tough for me since majority of the employees were Filipinos and it is just a matter of levering ones personality to harmonize getting along with my fellow Filipinos. As the news spreads in the Filipino camp that there were new workers who have just arrived I discovered that two among my kababayans from Baler, Aurora had been working in our company for long years now, the excitement of meeting them and tracing each family’s origin to know if there’s a chance that we are somewhat related to each other by blood. Astonishingly, one of my kababayan is Roger Tena, I know his father but unfortunately I can’t recall if I had a chance meeting him before in Baler. Another one is Lawrence Ruzol, I never met him before but I know some of his friends and relatives in Baler. When I had a chance talking with my mother thru the internet, she clearly explained to me that these two Kababayans from Baler are in fact my relatives..Hehehehe

Miyerkules, Setyembre 10, 2008


Saudi taong 2008 – Makalipas ang halos dalawang taon na pagtatrabaho ko sa Bansa ng mga Arabo marami akong nakilala at kasamahang Pilipino na may mga nakakatuwa, nakakaiyak at nakakabaliw na kwento ng kanilang Buhay. Bayaan ninyong ibahagi ko ito ayon sa kanilang pangalan; hindi ko na lang babanggitin ang tunay nilang pangalan ng sa gayon ay ma protektahan din ang kani-kanilang pribadong buhay:

Si Tonyo – Si Tonyo at may idad na mahigit 50 taon na ata sa tantya ko, dati na siyang nagtrabaho dito sa Saudi ng mahabang taon, ayon sa kanya nag desisyon na siyang tumigil sa pag-aabroad dati at manatili na lamang sa Pilipinas at magtayo ng isang maliit na negosyo dahil naka ipon din naman sya ng kaunting puhunan mula sa kanyang pag-aabroad. Nagtayo siya ng isang maliit na furniture shop sa Bicol na siyang probinsya ni Tonyo. Subalit hindi din niya napalago ito at unti-unti din niyang naibenta ang mga kagamitan niya sa furniture hanggang sa lubusan na itong mag sarado at mahinto sa operasyon. Ayon sa kanya ang dahilan marahil ay ang kakulangan ng sapat na puhunan. Taong 2006 ng una ko makilala si Tonyo sa opisina ng ahensya sa Makati na nagdedeploy ng mga OFW sa Abroad, dahil nauna akong nakaalis sa kanya ng tatlong buwan dahil nagkaroon ng delay sa kanyang pag-alis dahil ang passport nya ay inayos pa nya dahil naiwala nya kailangan pa ng affidavit of lost at kung anu-ano pang pasikot sikot sa mga opisina ng gobyerno sa Pilipinas. Si Tonyo ay masasabi kong isang mabuting Ama at Lolo sa kanyang Pamilya sa Pilipinas... dahil wala siyang bukambibig tuwing magkakaroon ng kumpulan kundi ang kanyang mga anak at apo. Ang mga anak niya ay maagang nagsipag asawa ng hindi man lamang nakakatapos ng kolehiyo na hanggang ngayon na nagkaroon na ng mga sariling pamilya ay inaasa pa din kay Tonyo ang lahat nilang gastusin. Minsan nakasabay ko si Tonyo papunta sa remittance center, kadalasan ang tanungan tuwing katatapos ng sahod ay kung magkano na ba ang kasalukuyang palitan ng Riyal sa Peso. Sabi ni Tonyo kailangan daw niyang maihabol ang kanyang padalang pera sa kaarawan ng kanyang apo. Kaya ang sabi ko sa kanya Ano!!! Pati Bertday ng apo mo eh ikaw pa ang sumasagot? Wala lang siyang ibang naisagot kundi ang..’Ganun siguro talaga ang isang magulang hindi lamang tumitigil sa mga anak mo kundi pati sa magiging apo habang kaya mo pa at nabubuhay ka’...’Sabi ko na lang sa kanya’, ‘parang ayaw ko nang mag-asawa kung ganyan din lamang sayo ang mangyayari sa akin’...iniisip ko kung nahihirapan ba si Tonyo sa ganun niyang sitwasyon..pero sa tingin ko hindi..dahil tuwing Biyernes na syang araw na walang pasok dito makikita mo si Tonyo na palaging nag oobertym, para daw sa mga anak niya at apo ang ginagawa niya at masaya siya sa tuwing darating ang sahod at may karagdagan siyang pera na maipapadala sa kanyang pamilya sa Pilipnas..

Butsoy – Si Butsoy ay isang Heavy Equipment Operator dito sa aming kumpanya...Sa hirap niyang pagsasalita na pautal-utal ng tagalog ay mahuhulaan mo na taga bisaya o mindanao siya..Si Butsoy ay kaidad ko at madalas din kaming magka kwentuhan tungkol sa buhay niya na kung saan hindi siya nakatapos ng kolehiyo at maagang sumabak sa pag tatrabaho bilang driver sa kanilang probinsya at kalaunan ay pumunta ng maynila at nakipag sapalaran na maging Taxi driver...Si Butsoy ay madalas kong nahuhuling nag iisa at tahimik na tila laging nag-iisip habang panay ang hithit sa sigarilyo. Nalaman ko sa kanya na maaga siyang naging byudo sa edad na 29, namatay ang asawa nya habang siya ay nasa abroad..wala silang naging anak at ang buo niyang pamilya ang nanay niya, ate at iba pang kapatid ay sa kanya umaasa..ulila na sa ama si Butsoy kung kaya naka sentro ang buhay nya sa kanyang mga kamag-anak sa Pilipinas..ngunit maliban pala sa tunay niyang Pamilya..naka sentro din ang buhay nya sa kanyang syota na isang “nurse” na siyang dahilan din ng madalas naming panunudyo sa kanya dahil ang sabi namin sa kanya ay naka tao siya....May itsura ang syota ni butsoy.,,nakiusap nga siya minsan sa akin na i-print ko ang piktyur ng syota nya na bunuksan namin sa internet sa kanyang sa pagpasok mo sa kwarto niya ang piktyur na iyon ang una mong makikita..ika nga proud baga...hehehe..madalas mai kwento ni butsoy na madalas din siyang nagpapadala ng pera sa syota niya dahil di umano gusto nitong mag review ng NCLEX un bang board exam na pag naipasa mo eh pwede kang pumunta ng US at mag trabaho bilang nurse...kalaunan ay nalaman ko din na napa sagot nya ang syota niya habang siya ay nasa barko at papunta na ng maynila dahil naka skedyul na ang kanyang flight papuntang Saudi..kaya ang biro ko sa kanya eh hindi man lamang niya nahipo ang langit bago siya makaalis ng Pilipinas at maghihintay pa siya ng dalawang taon bago mangyari ito...hehehe..

Sa panahon ng tag-init dito na umaabot ang temperatura sa 50 degrees celcius..kawawang kawawa ang mga katulad sa trabaho ni Butsoy..dahil tiyak na sunog ang balat sa init ng araw..madalas na tahimik at nag-iisip si Butsoy dahil ang Pamilya nya sa Pilipinas ay palaging nag te text sa kanya at humihingi ng pang tuition para sa pamangkin nya, pang bayad sa upa ng bahay ng nanay niya at kung anu ano pa..ang alam ko din ay kilalang kilala siya ng lahat ng mga taong nagpapa utang dito sa kumpanya..marami kasi kaming kasamahan dito na Bumbay..meron true blue na bumbay at meron din namang kapwa Pilipino na tuwing sahod halos wla na din natitira kay Butsoy dahil halos pambayad lamang ito sa mga pagkaka utang niya.....

Mack – Si Mack kung tawagin namin ay small but terrible..isa siyang Handyman..nung una siyang dumating dito halus lahat ng Pilipino ay gusto siyang tanungin kung ano nga ba ang isang Handyman..dahil narinig ko lamang ang Handyman duon sa kanta ni James Taylor na “Handyman”. Nalaman din namin sa kanya na ang Handyman pala ay iyong tipong lahat na disiplina ng trabaho ay kaya niya..Electrical, Mechanical at kung anu-ano pa.... jack of all trade, sabi nga nila...Si Mack ay may dalawang anak sa Pilipinas na nasa pangangalaga ng kanyang nanay..ang asawa kasi niya ay nasa Dubai bilang tourist...hindi tourist na namamasyal..kundi tourist visa para maghanap ng trabaho duon at kalaunan ay magiging working visa na din..madalas kong naririnig si Mack na nakikipag usap sa asawa nya sa telepono..ang tema ng usapan nila ay pilit na nya itong pinapauwi ng Pilipinas dahil ilang buwan na ang asawa nya sa Dubai ay wala pa din makitang permanenteng trabaho..bagkus ay kulang pa ang kinikita nito sa part time work sa gagastusin nya duon sa Dubai...kung minsan nga ay madalas na nagpapadala pa si Mack sa asawa nya sa Dubai para pang gastos nito at mag eexit ito papunta sa ibang bansa ng Middle East at babalik muli sa Dubai para ma renew ang tourist visa nito na effective lamang ng tatlong buwan...Madalas naiku kwento ni Mack na nahihirapan din sya sa sitwasyon nilang mag-asawa at sinisisi nito ang mga hipag niya na siyang nag kumbinsi sa asawa niya na pumunta ng Dubai..ayon sa kanya sa halip na nakakatulong sa kanya sa gastusin nila sa kanilang mga anak ay nagiging pabigat pa ito....Madalas ang tawag ko kay Mack ay addict...hindi sa Droga kundi sa trabaho..kasi wala siyang nasa isip kundi ang makakita ng part time job dito sa Saudi...aalis siya sa accomodation ng alas 5 ng umaga at babalik ng alas 4 ng hapon at papasok naman ito sa part time job niya ng hanggang alas 11 ng isip ko napakahirap ng kalagayan niya at parang hindi ko kakayanin ang ganoong sitwasyon at pagod...Minsan isang arabo na nagpapatayo ng building ang napasukan niya ng part time...nagkasundo sila na kapag natapos ang trabaho ay babayaran siya nito ng 15,000 Saudi Riyals..makalipas ang apat na buwan na pagpupuyat dahil sa gabi niya ito ginagawa ay binayaran lamang siya ng 1,500 Riyals..naging kaaway niya ang ibang Pilipino na kinuha niyang helper dito dahil wala din siyang pangbayad sa kanila dahil naloko sila ng Arabo..........

Melchor – Si Melchor ang isa sa kasamahan ko dito sa Saudi na masasabi mo na masyadong mga kwentuhan ay hindi siya nawawalan ng paliwanag sa mga bagay bagay at sa tingin ko naman ay totoong may alam siya sa mga bagay na kanyang pinapaliwanag marahil ito ay nabasa niya sa libro o sa internet..siya lamang kasi ang nag iisa na ka grupo namin sa accomodation na nasa opisina..ang karamihan ay nasa field at hindi nakakapagtago sa init ng araw dito sa Saudi...Madalas niyang nai ku kwento tuwing uwian sa trabaho na halos wla siyang ginawa ng araw na iyon kundi ang mag internet at maki pag chat...ang lagi lamang niyang hinihintay na mag online di umano ay ang girlfriend nya na nag ta trabaho din sa middle east bilang sekretarya din..subalit kapag may araw na hindi nakapag online ang girlfriend nya ay mapapansin mo na wala sa mood sa kwentohan itong si Melchor..minsan sobrang masaya itong si Melchor..aba at niyaya na daw siyang mag-asawa ng girlfriend nya kung kaya halus hilahin daw nya ang mga araw para mabilis matapos ang kontrata niya at makapag pakasal na sila ng syota tuwing mamimili kami ng supplies namin pagkatapos ng sahod ay si Melchor ang pinaka konti ang pinapamili dahil nagtitipid daw siya para sa plano nila ng girlfriend nya...napapailing na lamang ako madalas...Ang Pag-ibig nga naman..hehehehe..

Minsan katatapos ng sahod ay nakasabay ko sa remittance center si Melchor..ang tanong ko bakit ano problema sa Pinas...kasi bihira talagang magpadala itong si Melchor dahil nga sa Binata pa ito..pero ang sabi niya ay hindi sa Pinas kundi sa girlfriend nya nag ta trabaho din sa Middle East...hindi na lamang ako nagtanong..kasi sa isip ko bakit kaya niya papadalhan ito smantalang pareho silang may trabaho at halos pareho lamang ang kanilang sahod.....

Lumipas ang mraming buwan..tumawag sa cellphone ko si Melchor at nagtatanong kung may makukuhanan daw ba ako ng Sadike...ang sadike ay alak na home made..maraming pinoy na gumagawa nito dito sa Saudi ng patago kasi nga bawal ang alak dito hehehe..ang tanong ko sa kanya aba happy birthday ba pare ang biro ko...ang sabi nya Gago!!! Hindi ko birthday may malaki akong problema..pero mamaya ko na lang i ku kwento sa inuman....hindi na ako nagtanong pa alam ko edukado itong si Melchor na kahit ang ibang tao eh mababaliw na sa problema at lungkot dito sa Saudi pero siya hindi at katulad sa marami naming kwentuhan meron syang paliwanag sa mga ito....

Sa inuman....mabilis ang tagay ni Melchor dahil naghahabol siya di umano ng tama ng alak...hanggang unti unti niyang sinabi na break na sila ng girlfriend ang nakakatawa daw na in love daw ito sa iba.....pero hindi sa ibang babae....umiiling-iling lamang siya na naka ngiti at naluluha ang mga ang sabi niya....ang dami ko na give up dahil sa kanya at siya rin ang dahilan bakit ako pati ang pera ko ay halus napunta na din sa kanya.....

Natahimik lamang ako....binayaan ko siyang mag kwento...wala din naman ako maisip na sabihin sa kanya para pakalmahin siya..dahil ang alam ko mas may utak siya sa mayroon din siyang sariling paliwanag sa mga nangyari sa kanya........:D

Marami pang ibang tao akong nakilala..pero sila muna ang naisip kong ibahagi ang kwento.....

Lunes, Agosto 18, 2008

PEDERALISMO - Final Exam ko

Sa dahilang mainit na naman ang usapin ukol sa muling pagtatangkang p
baguhin ang istruktura ng pamamahala sa ating bansa (syempre Pilipinas) ay naisipan ko na i blog ang aking huling pagsusulit na isinumite ko noong taong 2005 habang ako ay nasa Masteral pa ng Public Administration sa UP-NCPAG. Ito ay sa aming klase ng "Ethics in Public Administration"


Isinumite ni: Clodualdo Alan B. Maniaol
P.A. 209

Isinumite kay: Dr. Ledivina CariƱo

I. Kung sakaling ako ay magbabahagi ng aking rekomendasyon ukol sa kung nararapat ba o hindi na suportahan ang pagpapalit ng kasalukuyang istruktura ng Gobyerno patungong Pederalismo ang mga sumusunod ay ang aking iminumungkahi:

1. Ang mga pagpapahalaga na itinataguyod sa mungkahing pagpapalit ng istruktura ng pamahalaan patungong sistemang Pederal gayon din naman ang mungkahing pagpapanatili nito sa kasalukuyang sistemang unitari ay ang Katarungang Panlipunan at Pagkakapantay-pantay (Social Justice and Equity) sa larangan ng Ekonomiya at pakikilahok ng mamamayan sa larangan ng pulitika.

Sa Sistemang Pederal, ang mungkahing paglilipat ng kapangyarihan at pamamahala ng mga bagay na may kinalaman sa usaping pang-ekonomiya at kaunlaran mula sa sentral na pamahalaan tungo sa mga mungkahing estado na itatatag ay isang hakbang upang makamit ang katarungang panlipunan at pagkakapantay-pantay. Samakatuwid sa Sistemang Pederal, higit na makakamit ang kaunlaran batay sa kakanyahan at kagustuhan ng mamamayan at mabibigyan ng pagkakataon ang bawat estado ng karapatang pagyamanin ang kanilang rehiyon batay sa kani-kaniyang pamamaraan, istilo at estratehiya ng pag-papaunlad.

Masasalamin naman ang Pagkakapantay-pantay sa larangang pampulitika kung ang kapangyarihang ehekutibo na kinakatawan ng Punong Ministro at ang kapangyarihang parlamento na kinakatawan ng mga senador mula sa ibat-ibang estado ay nagkakaisa at magkatuwang na mamumuno, sapagkat ang Punong Ministro ay magmumula sa hanay ng bumubuo ng parlamento. Iiral ang paghahalal ng kandidato batay sa plataporma at programa ng mga partido pulitikal at hindi batay sa personaliad at pagiging pamoso nito. At sa dahilang ang Pederal na Pamahalaan at ang bawat estado ay may direktang ugnayan sa mga mamamayan, ang malawak na partisipasyon sa hanay ng taung-bayan ay maaasahan upang makamit ang isang epektibo at mabuting pamamahala.

Ang isa pang pagpapahalaga na mapupuna sa mungkahing Pederalismo at Gobyernong Parlamento ay ang “Pananagutan” (Accountability). Sa Pederalismo at Gobyernong Parlamento, ang Punong Ministro ay inihahalal mula sa bumubuo ng Parlamento, ang Punong Ministro ay direktang mananagot sa Parlamento, gayundin naman, ang bumubuo ng Parlamento ay mananagot sa Punong Ministro. Ang pamunuan naman ng estado at mga Gobyernong Lokal ay may direktang pananagutan sa taung-bayan at sa sandaling nawawalan na ng kumpiyansa sa sistema ng pamamahala ng Punong Ministro maaaring maalis ito sa panunungkulan. Maiiwasan din ang anumang tangkang pagpapatalsik o dagliang pagpapalit ng Pinuno bunga ng kawalang kumpiyansa ng mamamayan katulad ng kudeta o anumang pamamaraan na nagdudulot ng kaguluhan sa Bansa na siya ring sanhi ng krisis pulitikal at krisis pang-ekonomiya.

Sa kabilang banda, ang kasalukuyang umiiral na sistemang unitari ay hindi gaanong nagsisilbi sa diwa ng Katarungang Panlipunan at Pagkakapantay-pantay, sa dahilang ang mga patakarang may kinalaman sa pagpapaunlad ay nakasentro o idinidikta pa rin ng sentral na pamahalaan sa mga lokal na pamahalaan kung saan ang huli, bagaman pinagkalooban ng awtonomiya sa pamamagitan ng Koda ng Lokal na Pamahalaan o Local Government Code ay nanatiling nakaasa sa patakarang ipinatutupad ng Sentral na Pamahalaan sa larangang pang-ekonomiya at pagpapaunlad. Isang halimbawa nito ay ang pakikisangkot ng Sental na Pamahalaan sa anumang internasyunal na kasunduan na may kinalaman sa pakikipagkalakal o tratado nang walang pagsasaalang-alang sa epekto nito sa lokal na ekonomiya ng bawat rehiyon na nagiging sanhi ng pagbagsak ng ekonomiya ng ilang rehiyon sa bansa. Halimbawa nito ay ang pagbulusok ng merkado ng produktong bawang mula sa Ilokos dahilan sa pagdagsa sa lokal na pamilihan ng murang inangkat na bawang mula sa bansang Taiwan.

Ang pagkakapantay-pantay naman sa larangang pampulitika ay hindi rin makita sa kasalukuyang sistemang unitari, bagkus kung sino ang may salapi at kilala sa lipunan ay siya lamang ang may kakayahang sumangkot sa pulitika. Ang kapangyarihan ng ehekutibo ay hiwalay sa kapangyarihan ng lehislatura na nagiging sanhi ng pagkabalam ng pagpapatibay at pagpapatupad ng anumang batas na magsisilbi sa interes ng mamamayan. Ang partisipasyon din ng taung-bayan sa usaping pulitika ay tuwing sasapit lamang ang halalan katulad ng pagsulpot ng mga partidong pulitikal na hindi malinaw ang inilalahad na plataporma ng pamamahala.

2. Ang dalawang nabanggit na pagpipilian, ang pagpapalit ng kasalukayng istruktura ng pamahalaan patungong Pederalismo at ang ang pananatili ng unitari na sistema nito. Sa aspetong Deontolohikal, ang pagpapalit ng kasalukuyang istruktura patungong Pederalismo at Gobyernong Parlamento ay nagtataguyod ng higit na malalim na pananagutan sa mamamayan batay sa nakaatang na gampanin ng bawat bumubuo ng pamunuan. Ito ay tumatagos mula Gobyernong Lokal, Estado, ang bumubuo ng Parlamento at Punong Ministro.
Ang dalawahang gampanin ng Parlamento bilang lehislatura at ehekutibo ay magdudulot ng madaliang pagpapatupad ng mga patakaran para sa kagalingan ng mamamayan na siyang pangunahing tungkulin ng Pamahalaan at pamunuan nito sa mamamayan. Salungat naman sa Unitari na sistema kung saan ang pangunahing tungkulin ng Pamahalaan na mapadaloy ang serbisyo sa maagap at epektibong pamamaraan ay di gaanong naisasakatuparan at hindi naisasa-praktika ang isang Mabuting Pamamahala.

Ang Mabuting Pamamahala (Good Governanmce) ayon sa United Nation Development Program ay may katangian ng mga sumusunod: Ipatupad ang kapangyarihan sa larangan ng ekonomiya at pulitika upang pangasiwaan ang bansa sa ibat-ibang antas at Pag-isahin ang mga mekanismo, proseso at mga institusyon na kung saan ang mamamayan ay makapagpapahayag ng kanilang interes at maitaguyod ang kanilang lehitimong karapatan, maabot ang kanilang pananagutan at pagtagpuin o pag-isahin ang kanilang pagkakaiba.

Sa kasaysayan ng unitaring sistema ng Pamahalaan ayon sa panulat ni (Dr. Jose V. Abueva, Some Advantages of Federalism and Parliamentary Government in the Philippines) ang unitari na istruktura ng Gobyerno ay ilang ulit nang nabigo upang buuin ang mga institusyon at makamit ang katangian ng isang Mabuting Pamamahala (Good Governance). Sa kabila ng ilang ulit na pagpapamalas ng pagkakaisa ng mga Pilipino, ito ay ang Edsa I at Edsa II ay nanatili pa ring ang kapangyarihan ay nakasentro sa Gobyernong Nasyunal.

Sa aspetong Unibersal na uri ng Utilitaryan (Universalistic Utilitarian) Ang istruktura ng Pederalismo at Gobyernong Parlamento ay higit na kakikitaan ng pagpapahalaga sa kagalingan ng higit na nakakarami. Sapagkat sa Pederal at Parlamentong Pamamahala ay kinikilala ang malawak na partisipasyon ng mamamayan at ang kakayahang paunlarin ang sarili nito. Ang mauunlad na estado ay magbabahagi ng tulong sa mahihirap na estado na siya ring magbibigay daan sa pantay na pag-unlad ng bawat estado at pagtataguyod ng Katarungang Panlipunan.

Samantala sa Unitari na sistema, monopolyo ng iilan ang kaunlaran at higit pa ring nakararami ang mahihirap at ang interes at partisipasyon ng ilang sektor ay hindi gaanong nabibigyang pansin bagaman lumalahok na ang ilan sa pulitika sa pamamagitan ng Party List System, sa kabila nito, mayorya pa rin ng bumubuo ng kongreso ay nagmumula sa pulitikal na partido na nagtataguyod lamang ng kani-kanilang interes. Ang tatlong pangunahing aktor naman sa Pamamahala (Three Actors in Governance) ito ay ang Estado, Grupong Sibil (Civil Society) at Sektor ng Negosyo (Business Sector) ay hindi rin kinakitaan ng aktibong pakikilahok sapagkat nakasentro ang kapangyarihan sa Nasyunal na Pamahalaan, samantalang sa Pederalismo at Gobyernong Parlamento ay magdudulot ito ng ibayo at masiglang pagtutulungan sa antas Lokal, Estado at Pederal na kung saan ang mga lokal na lider na nakilala sa kanilang pagiging dalubhasa at pagiging mapanglikha sa pagpapaunlad ng kani-kanilang lugar ay maiingganyo na makibahagi at makiisa dahil sa higit pang pinaunlad na rehiyonal at lokal na pamamahala.

3. Ang kabuuan ng isinasaad ng sulatin ni Dr. Leonor M. Briones “Time to Talk Money” ukol sa pagpapalit ng istruktura mula unitari patungong Pederalismo ay nangangailangan ng malaking badyet upang ito ay maisakatuparan, subalit sa sitwasyong ang Bansa ay nakararanas ng krisis pang-pinansya ang tanging maaaring pagkunan ng badyet ay ang pagpapataw ng karagdagang buwis sa mamamayan.

Sa pagtinging Deontolohikal, ang pagbabayad ng buwis sa pamahalaan ay isang obligasyon at katungkulan ng bawat mamamayan na isinasaad ng batas. Gayundin naman ang Pamahalaan ay mayroon ding katungkulan na gamitin ang buwis ng mamamayan laan sa kagalingan ng nakararami. Samakatwid, hindi magiging malaking isyu o usapin ang teknikal na aspeto sa pagpapalit ng istruktura patungong Pederalismo kung isasakatuparan ito kaakibat ng paggampan sa katungkulan ng bawat isa sa pagkakamit ng pangkalahatang kabutihan (Universalistic Utilitarian).

Ang kasalukuyang krisis pang-pinansya ay iniluwal ng kasalukuyang unitari na sistema, magmula sa panunungkulang Aquino na siyang inasahan ng mamamayan upang umahon sa kahirapan at sa mga sumunod pang namuno ay nabigong resolbahin ang lalu pang lumalalang krisis, bagkus patuloy na nakaasa ang bansa sa pag-utang sa mga dayuhang bansa na lalu pang nagpapalala ng krisis sa dahilang inilalaan sa pagbabayad ng interes ang ikatlong bahagi ng kabuuang badyet ng bansa. Bahagi ng repormang inilatag ng kasalukuyang Pangulo sa kanyang sampung puntong adyenda ay ang pagresolba sa kakulangan ng badyet sa pamamagitan ng pagpapalawak ng base ng Pagbubuwis. Kung gayon na pagbubuwis ang nakikitang paraan ng pagresolba sa suliraning pang-pinansya, ang debolusyon ng kapangyarihan sa mga estado at lokal na pamahalaan sa sistemang Pederalismo ay higit na magpapalawak ng base ng pagbubuwis. Sa pagsusuma ang teknikal na suliranin sa badyet at pamamaraan ng pagresolba nito sa sistemang Pederalismo ay hindi nalalayo sa pamamaraan ng unitaring sistema.

4. Ang Pederalismo at Gobyernong Parlamento ang sa aking pananaw ang siyang higit na magtataguyod ng interes ng mamamayan sapagkat, una, ang dalawang antas ng Gobyerno ang Pederal at Estado ay may direktang ugnayan sa mamamayan, kung saan ang partisipasyon ng mamamayan sa pagsasagawa at pagpapatupad ng isang desisyon ay esensyal, ikalawa, magkatuwang na ipatutupad ang kapangyarihang lehislatura at ehekutibo at maiiwasan ang anumang pagkabalam ng pagpapatibay at pagpapatupad ng batas, ikatlo, Ang bawat estado ay magkakaroon ng kinatawan upang pangalagaan at ipagtanggol ang interes, karapatan at kapakanan sa pagsasagawa at pagpapatupad ng anumang desisyon sa antas Pederal., ikaapat, ang pagpapaunlad sa larangang pang-ekonomiya at serbisyong panlipunan ay ipinauubaya sa bawat estado, kung kaya, higit na mapapalapit ang mamamayan sa pamahalaan. Ang mga nabanggit na katangian ng Pederalismo ay magsisilbing dahilan upang makamit ang matagalang benepisyo, kagalingan ng higit na nakararami at kaganapan ng isang Mabuting Lipunan.

II. Kung sakaling ako ay isa sa mga Mambabatas at ang usapin ukol sa Pederalismo ay inihain sa Kongreso at ayon sa surbey ang karamihan sa aking kababayan ay kontra sa aking paninindigan na itaguyod ang sistemang Pederalismo.

1. Ang pagsasaalang-alang sa Kapakanan ng Bayan ay naglalayong maabot ang pang matagalang benepisyo ng mamamayan, naghahangad ng kabutihan para sa higit na nakararami at nangangailangan at ang kapakinabangan ng bayan ay pang mahabang panahon. Ang Pederalismo ay naghahayag ng esensyal na pagkakataon sa mamamayan upang malayang makilahok sa gawaing panlipunan. Ang pagkakaroon ng direktang pananagutan ng Ehekutibo sa Lehislatura at gayun din ang Lehislatura sa Ehekutibo ay isang matingkad na katangian nito na nagtataguyod ng interes ng sambayanan.

Ang pagkakaroon ng awtonomiya ng bawat estado upang paunlarin ang kani-kanilang lugar batay sa sariling kakayahan ang siyang daan upang direktang makisangkot ang taung-bayan sa usaping pamamahala na isang katangian din naman ng isang mabuting pamamahala (Good Governance).

Sa pamamagitan nito, ang suliraning matagal nang hindi mabigyan ng solusyon ay malalapatan ng lunas batay sa sariling pagpapasya ng mga estado (Hal. Ang suliranin ng Bangsa Moro at iba pang miyembro ng Pambansang Minorya). Ang bumubuo ng pamunuan sa Pederalismo ay direktang may pananagutan sa sambayanan sa anumang ikikilos nito. At anumang pribadong interes ng namumuno ay mapapailalim sa Interes ng Sambayanan sapagkat ang taung-bayan ang higit na mapagpasya. Ang mamamayan ang mapagpasya sapagkat ang tinig at interes ay mapapangalagaan at maipagtatanggol ng mga kinatawan nito mula sa ibat-ibang estado.

2. Kung sa kabila ng pagpapaliwanag sa mamamayan ng kabutihang maidudulot ng Pederalismo at naninindigan pa rin ang karamihan sa pagpapanatili sa ating unitaring sistema, bilang kanilang kinatawan sa kongreso ay susunurin ko ang kanilang kagustuhan labag man ito sa aking personal na pananaw. Ang Interes ng higit na nakararami ang aking pangunahing bibigyang pagsasaalang-alang sapagkat bilang kanilang kinatawan ako ay may pananagutan sa kanila at nararapat lamang na ang kanilang paninindigan ang marinig sa kongreso at hindi ang personal kong pananaw. Ang ganitong pagpapasya ay naaayon sa pamantayan ng pagtugon sa bayan. “Ang kapangyarihan ay nananahan sa Taung-Bayan at ang lahat ng karapatan ng Pamahalaan ay nagmumula sa kanila” Artikulo II, Seksyon 1, Saligang Batas ng Pilipinas, 1987. Ayon din naman sa aklat na akda ni Zimmerman Joseph, Kabanata II, Tunggalian ng Interes (Conflict of Interest) Ang lingkod ng Bayan ay hindi pinapailalim ang kanyang katungkulan o responsibilidad sa sa kanyang pribadong interes.

V. Myth of Gyges

Ang “myths of Gyges” ay isinulat ni Plato na bahagi ng ikalawang aklat na “Republic”. Ang kwento ng “Myth of Gyges” ay tungkol sa isang Pastol na naglilingkod sa isang Hari, habang siya ay nagpapakain ng mga alagang tupa, isang malakas na lindol ang naganap at nagdulot ito ng pagbuka ng lupa, sa puwang ng nakabukang lupa, isang bangkay ang tumambad sa kanya at isang sing-sing ang kanyang nakita na nakasuot sa isang daliri nito. Kinuha niya ang sing-sing at sa kanyang pagkamangha sa tuwing iniikot niya ang sing-sing siya ay nawawalang parang isang bula. Matapos na mamalas at masubukan ang kamanghamanghang dulot nito, nagtungo ang Pastol sa Kaharian, inakit ang Reyna, Pinatay ang Hari at matapos ay inagaw niya ang kapangyarihan ng kaharian at ginawa niya ang anumang nais niyang gawin sapagkat hindi siya makikita at mapaparusahan nino man.

Ang nais isaad ng kwentong ito ay patungkol sa natural at likas na maaaring ikilos ng isang tao kung hindi ito nakikita ng iba o kung alam nito na siya ay hindi maaaring maparusahan sa anumang hindi tamang ikikilos nito. Sa pagbubuod, ang aral na nais iparating ng kwentong “Myth of Gyges” Ang isang indibidwal na nabibilang sa isang komunidad ay nararapat na kumilos ng ayon sa tama, nakikita man o hindi ng komunidad na kinabibilangan nito o kaya namay may kaparusahan man o wala.

Sa isang lipunan, ang pagkakaroon ng isang batas na nagsasaad ng pamantayan ng mga dapat ikilos ng isang indibidwal ay mahalaga, isang halimbawa nito ay ang pagpapatibay ng batas at paglikha ng ibat-ibang institusyon na kontra-korupsyon. Kung wala nito ang isang namumuno na iniluklok sa isang posisyon at pinagkalooban ng kapangyarihan ay mayroong tendensya na gamitin ito ayon sa kanyang personal at indibidwal na hangarin at isangtabi ang Kapakanan ng Bayan, Subalit kung mayroong malinaw na panuntunan kung ano ang mga limitasyon na dapat ikilos ng isang pinuno maiiwasan ang korupsyon at pag-abuso sa hinahawakan nitong kapangyarihan, matututo rin ito na maging mapanagutan sa mamamayan na nagluklok sa kanya na siya ring magsisilbing mata at bantay sa anumang hindi tamang maaaring gawin nito.

Ang isang simpleng halimbawa na madalas nating makita sa Lipunang Pilipino ay ang pagsunod sa batas trapiko, na kadalasan ang karamihan ay sinusunod ito hindi dahil sa batid nilang ito ang makabubuti at tama para sa isang motorista kundi dahil sa umiiwas na mahuli at maparusahan ng mga tagapagpatupad ng batas.